Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabaril at pagsasaksakin sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City kahapon.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Darmo Cardenas ng Quezon City Police District (QCPD)-PS6 Tactical Operation Center, dakong 1:00 ng madaling araw nang mapatay si Bryan Miranda, 18, ng San Jose Street, Group 13, Payatas, Quezon City.

Basta na lamang umanong pinasok mga armado ang bahay ni Miranda at tuluyang pinagbabaril at pinatay.

Bandang 12:00 ng hatinggabi naman napatay si David Carian, 18, habang siya’y naglalakad sa kahabaan ng Katuparan St., Bgy. Commonwealth at pinagsasaksak ng kanya umanong kaaway na si Jerry Porontong na mabilis na nakatakas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Batasan Police upang imbestigahan ang mga nasabing insidente at mahuli ang mga suspek. (Jun Fabon)