NICE, France (AP) – Sa likod ng mga barikada, idinaos ng lungsod ng Nice ang tradisyon ng Carnival, ngunit naging maingat na hindi na maulit ang Bastille Day truck attack na ikinamatay ng 86 na katao, pitong buwan na ang nakalipas.

Sa ika-133 taon ng Carnival noong Sabado, nanguna ang float ng King of Energy, ang tema ngayong taon, na sinundan ng higanteng “Donald Trump”, at iba pang mukha ng mga pulitiko.

Sinabi ni Deputy Mayor Rudy Salles, sa BFM-TV, na ang ginawa nilang seguridad ay “like in an airport” na mayroong 36 na scanner, mga pat down, pulis at sundalo.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina