EXCITED na ang fans at followers ni Dingdong Dantes sa pilot ng docu-series na Case Solved na iho-host niya simula February 18 pagkatapos ng Eat Bulaga. Katunayan, may trailer ng series na naka-post sa Instagram account ng aktor.

DINGDONG Dantes
DINGDONG Dantes
Suportado ng fans/followers ni Dingdong ang bago niyang show at nangako silang susubaybayan ito hanggang sa final episode. Ginawa nila ito sa Alyas Robin Hood at gagawin uli nila sa Case Solved.

“I am honored to be part of this show with a unique concept. May kasamang dramatization para ipakita kung paano nangyari ang kaso. May expert din sa show para ipaliwanag kung paano nangyari ang kaso,” paliwanag ni Dingdong.

Balik-hosting si Dingdong na dati na niyang ginagawa at nagpakita rin siya ng kahusayan. Ang last hosting stint niya ay sa Starstruck 6, kaya ibang-iba naman ang Case Solved. 

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“I’m excited what the show has to offer,” dagdag pa ni Dingdong.

Tapos nang mga kaso ang ipi-feature sa Case Solved, nadesisyunan na ng korte, kaya walang aalahanin si Dingdong, si Direk Albert Langitan at ang GMA-7 na may mga magrereklamo at maghahahabol.

Sa pilot episode, tampok ang kaso ng nine year-old girl na ni-rape at pinatay. Ipapakita kung paano nabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya. --Nitz Miralles