MONCADA, Tarlac - Isang driver ng Suzuki Smash motorcycle at dalawang angkas niya ang isinugod sa Tarlac Provincial Hospital matapos na na mabangga sa pader ang kanilang sinasakyan habang binabagtas ang highway ng Barangay Sta. Lucia East sa Moncada, Tarlac, nitong Huwebes ng gabi.

Sugatan sina Albert Bautista, 18, driver ng motorsiklo, at taga-Bgy. Capaoayan; Maybelyn Salapungan; at Marjorie Cardenas, kapwa 16-anyos at taga-Bgy. San Julian, Moncada, Tarlac.

Ayon kay PO1 Kenn Lester Lopez, bandang 7:45 ng gabi at pahilaga ang motorsiklo nang mawala ito sa kontrol at bumangga sa kongkretong pader sa gilid ng highway. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog