WARSAW, Poland (AP) — Nagtamo ng mga sugat at pasa si Prime Minister Beata Szydlo matapos maaksidente sa katimugang bahagi ng Poland. Inilipad siya ng helicopter patungong Warsaw upang isailalim sa pagsusuri.

Nangyari ang aksidente dakong 7:00 ng gabi sa Oswiecim, ang lugar kung saan nakatira si Szydlo, 53. Isang sasakyan ang biglang sumingit sa convoy ni Szydlo, tumama sa kanyang Audi limousine at bumangga ito sa isang puno.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na