Nakatakdang ilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang mobile text messaging scheme para sa mga dayuhan na nag-a-apply ng kanilang alien certificate of registration identity card (ACR I-Card) sa pagnanais na matuldukan ang red tape sa kawanihan.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, simula sa Marso 1 ay hindi na kailangang pumunta ng mga aplikante ng ACR I-Card sa tanggapan ng ahensiya upang alamin ang lagay ng kanilang aplikasyon.

Sa halip, ayon kay Morente, makakatanggap ng text messages ang aplikante na nagsasabing maaari na nilang kunin ang kanilang I-Card sa tanggapan ng BI sa Intramuros. (Mina Navarro)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists