BIANCA copy copy

SUPER cutie si Baeby Baste sa kanyang launch bilang endorser ng Baby Bench Cologne kasama ng Concio Sisters last weekend sa Glorietta Activity Center Makati.

Hiyawan ang fans niya nang kumanta siya ng Roses at Closer, at may pasigaw-sigaw pa sa audience ng, “Sing with me, mga Bisaya!”

Yes, Bisaya pala siya kahit mukha siyang foreigner and made in America, ha!

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kapwa niya Bisaya sina Pangulong Rody Duterte at Ellen Adarna. ‘Yon nga lang, hindi si Ellen ang crush niya kundi si Bianca Umali na inamin niya sa amin. Kasi guwapa raw sa kanyang paningin. Yes, ganern!

“Car, van para sa family,” ang sagot nitey when asked kung ano ang gusto niyang bilhin sa kinita niya bilang baby cologne endorser ng Bench.

And take note, bukod kay Bianca Umali ay nagagandahan din daw siya sa Conscio Sisters, ha!

Hmmm... bagets pa lang pero may taste na sa girls itong si Baeby Baste na tipong maihahalintulad sa mga paborito niyang Bench Baby Cologne na Bubble Gum, Cotton ­Candy at Ice Mint, Gummy Bear, Popsicle, Jelly Bean at Lemon Drop, na available sa lahat ng Bench stores at maging sa online shop nito. (MERCY LEJARDE)