MABILIS kumalat sa social media ang picture nina Mark Herras at Maine Mendoza na magkasama at kuha sa taping ng Destined To Be Yours, ang unang soap drama ng AlDub.
Kasama si Mark sa cast at sa nakita naming picture, malakas maka-high school, parang sa past siya ni Maine konektado.
Siya kaya ang third wheel na manggugulo sa love story nina Maine at Alden Richards?
Ang suwerte ni Mark dahil katatapos pa lang ng afternoon soap na Sa Piling ni Nanay, heto at may kasunod agad siyang show at pang-primetime naman.
Samantala, may ilang Aldub fans na tututok sa 24 Oras sa February 14 dahil sa nasabing petsa, unang ipalalabas ang official trailer ng Destined To Be Yours. Pa-Valentine’s Day treat ito ng GMA-7 sa lahat ng fans nina Alden at Maine na matagal naghintay ng kanilang teleserye.
Napansin namin na sa plugging ng Destined To Be Yours, walang nakalagay na airing date at sa halip ay “Soon” ang nakasulat. Pero sa Feb. 27 na ang pilot ng teleserye, papalit sa Alyas Robin Hood na magtatapos sa Feb. 24.
(Nitz Miralles)