COX’S BAZAR, Bangladesh (Reuters) – Mahigit 1,000 Rohingya Muslim ang maaaring napatay sa mga pagtugis ng Myanmar army, ayon sa dalawang mataas na opisyal ng United Nations na sumusubaybay sa mga refugee na lumilikas sa karahasan.

Sinabi ng mga opisyal, mula sa magkahiwalay na ahensiya ng UN na nagtatrabaho sa Bangladesh, kung saan halos 70,000 Rohingya ang tumawid nitong mga nakalipas na buwan, na nababahala sila na hindi lubusang nauunawaan ng mundo ang krisis sa Rakhine State ng Myanmar.

“The talk until now has been of hundreds of deaths. This is probably an underestimation - we could be looking at thousands,” sabi ng isa sa mga opisyal, na tumangging pangalanan.

Halos 1.1 milyong Rohingya Muslim ang nabubuhay sa mala- apartheid na kondisyon sa hilagang kanluran ng Myanmar, kung saan pinagkakaitan sila ng citizenship. Itinuturing sila ng karamihan ng Buddhist-majority Myanmar na illegal immigrant mula sa Bangladesh.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na