CAMP AQUINO, Tarlac City -- Grabeng nasugatan ang asawa ng company commander ng Ammo Company sa Camp Aquino matapos sumabog at masunog ang Building 2 sa loob ng kampo Martes ng gabi.

Iniulat ni SPO1 Aldrin Dayag kay Tarlac police Supt. Bayani Razalan na ang nasugatan ay si Florilee Bohol, 32, maybahay ni Capt. Armando Bohol.

Dinala si Bohol sa Camp Aquino Servillano Hospital dakong 10:40 ng gabi Sinabi naman ni T/Sgt Romito Orbigo ng AMMO Company na nakarinig siya ng pagsabog at pagkalat ng apoy sa Enlisted Personnel Barracks.

Kaagad rumesponde ang mga bumbero ng Bureau of Fire Protection mula saTarlac City, Chinese Fire Volunteer Brigade.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Naapula ang apoy dakong 12:00 ng madaling araw.

Hindi pa matukoy ang pinagmulan ng pagsabog na nagdulot ng sunog. (Leandro Alborote)