JERICHO AT KIM copy

HINDI makakapag-celebrate ng Valentine’s Day ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones dahil pareho silang may trabaho sa araw na iyon.

“May work, eh,” sabi ni Jericho, “may shooting kami. Ang Valentine’s Day naman, puwede mo naman ’yan i-celebrate everyday, right?”

Sikat na fashion model si Kim na umaalis ng bansa kapag Fashion Week, tulad ngayong Pebrero na patungo ito sa Paris.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Ngayon nandito siya, pero alis lang siya ulit for Paris kasi Fashion Week na, mabilis lang ‘yun nandito na siya. At saka, pag nag-celebrate kami, sa bahay lang din, hindi rin kami lumalabas. This year, may exception lang. She’s coming back today, nag-shoot lang siya ng commercial sa Thailand,” kuwento ni Echo nang makatsikahan namin.

Sa tatlong taong married life nina Echo at Kim ay hindi pa sila nagpaplanong magkaroon ng anak.

“Parang hindi pa lang namin priority, parang ganu’n. May time pa naman, eh. Bata pa naman si Kim, eh,” sabi ng aktor.

Napakaguwapo pa rin ni Jericho kaya marami pa ring girls na nagkakagusto. Hindi ba siya nagkakagusto sa ibang girls na nakakasama niya sa project o mga nakikilala niya?

“Well, kailangan ingatan mo rin ang sarili mo, ingatan mo rin ang puso mo dahil may mga masasaktan. When I got married, na-deal ko na ‘yang mga bagay na ‘yan na this is the end of your pagiging binata.

“And ‘yung mga kalokohan on the side or whatever, goodbye ka na d’yan. Anuman ang mga pantasya mo, this is a better thing for me. Kasi to marry the girl of your dream, I’m in a good place.

“And I got to work with rom-com, dami ‘kong nakakatrabaho, pinapakilig namin ang mga tao, pero pag-uwi ko, I have my own story,” sagot ni Jericho.

Nakilala namin ang aktor edad 18 pa lang, at wala kaming natandaang nangaliwa siya sa mga naging karelasyon niya.

Nagkatawanan pa nga kami dahil binanggit niya ang pangalan ng exes niya.

Anyway, nagpaplanong mag-aral ang aktor kung paano mag-produce ng pelikula at sana magkaroon siya ng panahon lalo’t may bagong teleseryeng offer sa kanya ang ABS-CBN.

“Kasi ako, like this year, mas malaki ang plano ko. Gusto kong mag-aral muna at mag-produce. Medyo gusto kong mag-concentrate sa film. Plano ko sa New York, kung puwede, pero kung hindi sa UP na lang para hindi na lumayo.

“Kasi, matagal ko nang plano ’yun. Pero this year talaga. Parang gusto ko nang tapusin ’yung procrastination ko, eh,” sabi ni Echo. (REGGEE BONOAN)