ronda copy

Bataan nasakop ni Morales; ‘red jersey’, napanatili ni Roque.

SUBIC BAY, Olongapo City – Daig ng maagap ang masipag.

Muling pinatotohanan ni defending champion Jan Paul Morales ng Philippine Navy-Standard Insurance ang butil na aral mula sa matandang kasabihan nang dominahin ang 137-km Stage three ng 2017 LBC Ronda Pilipinas kahapon.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Binitiwan ang karera sa Angeles City, Pampanga at nagtapos sa Harbour Square dito. Ang tinahak na ruta ay mga akyating kalsada na masinsin na kinabisado ni Morales sa kanyang paghahanda mula pa nitong Nobyembre.

"I trained here last November, I'm familiar with the route," pahayag ng pambato ng Calumpang, Marikina.

Ito ang ikalawang stage win ni Morales, sapat para patatagin ang kampanya na tanghaling unang siklista na makapagwagi ng back-to-back title sa premyadong cycling marathon sa bansa.

Tumataginting na P1 milyon ang premyong naghihintay sa kampeon sa 14-day cycling marathon na itinataguyod ng presentor LBC, sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Partas, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.

Nailista ni Morales, 31, ang tyempong tatlong oras, 25 minuto at 46 segundo, mahigit dalawang minuto ang bentahe sa tatlo kataong bumuntot sa kanya sa finish line na kinabibilangan nina Jemico Brioso ng Ilocos Sur, Leonel Dimaano ng RC Cola NCR at Cris Joven ng Kinetix Lab-Army.

Pawang nailista ng tatlong ang tyempong 3:28:32.

Tangan ni Morales ang kabuuang oras na 8:33:44, mahigit dalawang minuto ang layo sa kasanggang si Rudy Roque na napanatili ang kapit sa ‘red jersey’ – simbolo ng pangunguna – sa kabila ng mabagal na pagtatapos bunsod nang pagkakabanga ng bisikleta sa ‘tarffic fence’.

Kasama si No.2 at teammate ding si Ronald Lomotos, ang Stage One winner, nakatawid ang grupo ni Roque sa tyempong 3:29:07. Tangan ni Roque ang kabuuang oras na 8:32:10, may 20 segundo ang layo kay Lomotos.

"I'm just focused on winning this stage and made my move when I got the opportunity," pahayag ni Morales, unang nagwagi sa Stage TwoCriterium sa Vigan, Ilcos Sur nitong Linggo.

Humiwalay sa peloton si Morales nang papasok ang grupo sa akyating bahagi ng Morong, Bataan at hindi na nagawang lingunin ang mga karibal na tila naantala sa pagpedal para tanawin ang makasaysayang Nuclear Power Plant.

Nakakuha ng dagdag na oras si Morales matapos tanghaling KOM (King of the Mountain).

Tumawid sa ikalimang puwesto ang grupo na kinabibilangan ni Go for Gold's rookie bet Jonel Carcueva, nakalusoit sa pamamagitan ng Bacolod City qualifying race nitong December, at Kinetix Lab-Army's Alvin Benosa na may parehong tyempo na 3:29:01, anim na segundo ang bentahe sa grupo nina Roque at Lomotos.

Inamin ni Roque na maliit lamang ang tangan na bentahe kung kaya’t pipilitin niyang makadiskarte sa Stage Four -- 111-km road race Subic-to-Subic race – ngayon.

"I was heavily guarded but I will try to make a move in Stage Four tomorrow (today)," sambit ni Roque, pambato ng Tibo, Bataan.

Nanatili naman sa ikaapat sa overall si Go for Gold's Ismael Grospe, Jr. (8:34:38) kasunod si Carcueva (8:36:01).

Kabilang sa top 10 overall sina Navy's Jay Lampawog (8:36:03), Ilocos Sur's Ryan Serapio (8:36:04), Mindanao-Sultan Kudarat's Roel Quitoy (8:36:08), Kinetix Lab-Army's Alvin Benosa (8:36:09) at Reynaldo Navarro (8:36:15).