Tatlong hinihinalang miyembro ng “Brondial robbery holdup” ang napatay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Patay na nang isugod sa Ospital ng Makati ang mga suspek na kinilalang sina Jason Brondial, lider umano ng nasabing grupo; Noel Fajardo at Donald Bacsal, kapwa nasa hustong gulang at nakatira sa Tramo, Pasay City.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) Director chief Supt. Tomas Apolinaro, Jr., dakong 12:45 ng madaling araw nangyari ang engkuwentro sa panulukan ng Chino Roces at Metropolitan Avenue, Barangay San Antonio Village, Makati City.

Unang nakatanggap ng impormasyon ang Makati City Police hinggil sa tatlong lalaki na sakay sa isang itim na motorsiklong walang plaka na umano’y responsable sa panghoholdap sa ilang pasahero sa Buendia-EDSA.

Tinawag na lutang, lugaw, madumb: Leni 'di minura at nagbantang ipapatay si Digong

Agad nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Intelligence Section ng pulisya upang postehan ang mga maaaring lusutan sa pagtakas ng mga suspek.

Sa halip na sumuko ay pinaputukan pa umano ng mga suspek ang mga pulis kaya napilitan ang mga ito na magpaputok hanggang sa duguang bumulagta ang tatlong suspek. (Bella Gamotea)