LONDON (Reuters) — Ipinagdiwang ni Queen Elizabeth, ang world’s longest-reigning living monarch, ang kanyang Sapphire Jubilee nitong Lunes, ginungunita ang 65 taon simula nang maupo siya sa trono ng Britain.

Nagkaroon ng 41-gun royal salute sa central London para markahan ang okasyon. Naglabas din ang opisina ng reyna ng litrato niya noong 2014 na nakasuot ng suite ng sapphire jewelry na tinanggap niya mula kay King George VI bilang wedding gift noong 1947.

Ngayon ay 90, na binawasan na ng Reyna ang mga biyahe niya sa iba’t ibang bansa ngunit regular pa rin na ginagawa ang kanyang official duties sa Britain.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na