Nasawi ang isang pari matapos masangkot sa aksidente makaraang magkasalpukan ang dalawang motorsiklo at isang tricycle sa national higway sa Tacurong City, Sultan Kudarat, nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon ng Tacurong City Police, namatay si Father Allan Crismie Buendicho habang ginagamot sa hospital.

Batay sa police report, dakong 10:00 ng gabi at sakay ang pari sa tricycle nang makabanggaan nito ang dalawang motorsiklo sa Barrio 2, Tacurong City. (Fer Taboy)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog