Dead on the spot ang isang lalaki makaraang patayin umano sa saksak ng nakababata niyang kapatid matapos silang magtalo habang nag-iinuman sa loob ng kanilang bahay sa Parañaque City, nitong Linggo ng gabi.

Limang tama ng saksak sa dibdib at katawan ang kaagad na ikinamatay ni Benedict Angcon, 21, ng Sagana Village, Barangay Moonwalk.

Sugatan namang dinala sa Parañaque Medical Center ang nakababatang kapatid ni Angcon na si Jay-R Angcon, 20, dahil sa mga tinamong saksak sa dibdib, kamay, hita at paa.

Sa inisyal na ulat ng Parañaque City Police, pasado 11:00 ng gabi nang humingi ng tulong sa barangay ang dalawang lalaki hindi nabanggit ang pangalan at kapwa kainuman ng magkapatid.

National

Matapos banta ni VP Sara kina PBBM: AFP, mananatili raw ‘loyal’ sa Konstitusyon

Kaagad na sumaklolo ang mga tauhan ng barangay at natagpuan si Jay-R na duguang palabas ng pinto at humihingi ng tulong para madala siya sa pagamutan, samantalang wala nang buhay sa pagkakahandusay ang kapatid niyang si Benedict.

Hinala ng pulisya, nagpambuno ang magkapatid.

Aminado naman ang ama ng magkapatid, si Benigno Angcon, na madalas magwala sa loob ng bahay si Jay-R kapag nalalasing. (BELLA GAMOTEA)