ARCI copy copy

NAG-BREAK ba talaga o nagkabalikan agad sina Arci Muñoz at ang boyfriend niyang si Badi del Rosario?

May mga ganitong tanong dahil sa presscon ng Extra Service, nagsalita si Arci na hiwalay na sila ng BF niya.

Kamakailan lang naipalabas ang nasabing pelikula. Pero last week, nakita sa NAIA sina Arci at si Badi. Magkasama silang umalis sa hindi sinabing destinasyon.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Ibig sabihin, sila na uli o baka tama ang sapantahan ng marami na hindi talaga sila nag-break.

Anyway, nalaman din naman kung saan tumungo sina Arci at Badi dahil nakita sila nina Miss Philippines Maxine Medina at relatives nito na nagbakasyon sa Brunei pagkatapos ng 65th Miss Universe.

Hindi nakaiwas si Arci nang mag-request na makapagpa-picture sa kanya ang sister ni Maxine at pinsang si Diane Medina na kasama ni Maxine sa Brunei. Wala rin siyang nagawa nang i-post nina Maxine at Diane ang photos nila sa Instagram.

Hindi pa nagpo-post si Arci ng photos niya na nasa Brunei sila at kaya lang nalaman kung nasaan siya dahil sa post ng sister ni Maxine at ni Diane. (Nitz Miralles)