TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Isang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na matagal nang pumanaw ang ginagamit ng hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) para makapangikil at magbanta sa isang restaurant sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Sa sumbong sa grupo ni Senior Insp. Roel Vallena Abejero, ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, ipinakita ng kinatawan ng hindi pinangalanang restaurant ang 12 text message ng nagpakilalang miyembro ng 105th Base Command ng BIFF na nanghihingi ng P50,000 cash.

Gamit ang pangalan ni Kumander Falcon ng MILF, nagbanta ang texter na kapag hindi naibigay ang pera ay hahagisan nito ng granada ang restaurant.

Sa panayam sa pamunuan ng 108th Base Command ng MILF sa General SK Pendatuan, Maguindanao, sinabi ni Kumander Tami na matagal nang pumanaw si Kumander Falcon. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog