ROME (Reuters) — Kumalat sa Rome ang mga poster na nag-aakusa kay Pope Francis na inaatake ang mga konserbatibong Katoliko nitong weekend at dali-daling tinakpan ng mga awtoridad.

Tampok sa mga poster, idinikit noong Biyernes at Sabado ng gabi ng mga hindi kilalang aktibista, ang litrato ni Pope Francis at may nakasulat na: “Where’s your mercy?” Inaakusahan si Pope Francis ng pakikialam sa mga konserbatibo, lalo na sa “beheading of the Knights of Malta.”

Ang tinutukoy ng poster ay ang sinaunang Catholic order ng knights na ngayon ay isa nang charity. Ang dating Grand Master nito ay nag-abot ng resignation kay Pope Francis noong nakaraang linggo matapos ang dalawang buwan nilang alitan.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na