BASTE_please crop copy

HINDI updated si Presidente Rody Duterte sa relasyon nina Ellen Adarna at anak na si Baste Duterte. Sa speech ng Pangulo sa National Convention of Philippines Association of Water Districts, nabanggit na hindi na umuuwi si Baste sa Davao, at hindi na ito nakikita ng anak nito.

Nang tanungin daw niya ang bata kung sino ang mahal, kung ang papa o mama nito, ang sagot ng bata ay, “mama” at wala na raw siyang magawa.

Nag-react si Ellen via Instagram (IG): “Busy kc si Papa digz sa paguunlad ng bayan. Kaya late na sya sa mga balita about sa amin ni Baste. Ginagawa nya ang kanyang mga gawain sa bayan. At about sa amin ni Baste, sana wag gawin national isyu. Tapos na. Friends tayong lahat.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Nag-react din si Baste, sa Facebook naman: “I really love being his favorite son. Chill lang, Pa bulag na mi December pa, nakalimot lang ka giignan taka anong new year naa ta sa balay ni Mama.”

Translation, ang sabi ni Baste, hiwalay na sila December pa, nakalimutan lang ni Presidente Rody na sinabi niya ang paghihiwalay nila ni Ellen noong New Year habang nasa bahay sila ng mama niya. (NITZ MIRALLES)