Hindi pa nakuntento ang kawatan matapos holdapin ay binaril pa ang isang hindi pa nakikilalang babae sa isang tulay sa Barangay Ilaya sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling araw.

Kritikal ngayon ang biktima na inilarawang nasa edad 25 hanggang 30, nakasuot ng puting pantalon at pink na blouse.

Sa ulat ng Mandaluyong City Police, dakong 5:00 ng madaling araw nang madiskubre ng ilang concerned citizen ang duguang biktima na nakahandusay sa lugar kaya agad na silang humingi ng tulong sa mga barangay tanod at dinala sa pagamutan.

Ayon sa pulisya posibleng hinoldap ang biktima at nanlaban sa mga suspek dahilan upang barilin ito sa ulo nang madiskubre ang isang sira-sira at wala nang lamang shoulder bag. (Mary Ann Santiago)

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto