PATULOY na nagiging popular ang electronic cigarettes, ngunit kakaunti lamang ang impormasyon tungkol sa panganib na dala nito sa ating kalusugan. May bagong pag-aaral ang nag-uugnay sa karaniwang paggamit ng electronic cigarette at sa panganib na dala nito sa cardiovascular system.

Mas dumarami ang gumagamit ng electronic cigarettes o e-cigarettes bilang alternatibo sa natural na sigarilyo sa paniniwalaang mas ligtas ito. Wala itong lamang tabako at hindi sinisindihan.

Unang lumabas ang e-cigarettes noong 2006 sa United States. Simula noon, naging kilala na ito lalo na ng kabataan.

Mas tumaas ang bilang ng kabataang nagbi-vape o gumagamit ng e-cigarettes simula 2011 hanggang 2015.

National

Grupo ng simbahan, suportado panawagang imbestigahan ng ICC ang War on Drugs: 'Let justice be served'

Gayunman, naglalaman pa rin ito ng nakakaadik na nicotine at iba pang mga kemikal na matatagpuan sa regular na sigarilyo. Noong 2009, nagbabala ang U.S Food and Drug Administration (FDA) na ang e-cigarettes ay mayroong “detectable levels of known carcinogens and toxic chemicals to which users could be exposed.”

Sinuri ng bagong pag-aaral ang kaugnayan ng paggamit ng e-cigarette at ng implikasyon nito sa panganib sa cardiovascular.

Pinangunahan ang pag-aaral ni Dr. Holly R. Middlekauff, ng David Geffen School of Medicine sa University of California sa Los Angeles, at lumabas ang resulta sa journal ng JAMA Cardiology.

Pinagsama-sama ng grupo ang 23 malulusog na gumagamit ng e-cigarette sa edad na 21 hanggang 45 na hindi gumamit ng regular na sigarilyo at sinabihang huwag sumailalim sa ano mang prescription medication. Gumamit din ang pag-aaral ng control group na binubuo ng 19 na malulusog na indibiduwal na pasok sa kanilang criteria ngunit hindi gumagamit ng e-cigarettes.

Nagsagawa ng electoracardiogram researchers para sukatin ang heart rate variability ng mga kalahok sa kanilang quiet rest at controlled breathing. Natukoy nila ang tatlong magkakaibang spectral components – high frequency, low frequency, at very low frequency.

Sumailalim din ang grupo sa blood tests at sinuri ang dugo para sa oxidative stress.

Kinumpirma ng resulta ang hypothesis ng mga researcher.

Mas mataas ang low-frequency component, pati na rin ang low frequency sa high frequency ratio ng mga gumagamit ng e-cigarette. Iminumungkahi nito na ang mga taong gumagamit ng e-cigarette ay nakararanas ng pagbabago sa kanilang cardiac autonomic balance sa sympathetic predominance.

Ang sympathetic nervous system ang nagkokontrol ng cardiovascular system sa mga emergency situation. Gumagawa ito ng “fight or flight” response kapag nasa panganib ang isang tao, na mas nagpapataas ng adrenaline levels sa puso.

Para naman sa oxidative stress markers, napag-alaman ng mga researcher ang mataas na level ng low-densite lipoprotein oxidizability.

Sa kabuuan, ibig sabihin nito, kumpara sa control group, mas nanganganib ang mga gumagamit ng e-cigarette na tumaas ang cardiac syempathetic activity at mataas na oxidative stress – na parehong senyales ng tobacco-related cardiovascular risk.

Kaya ang regular na paggamit ng e-cigarette ay may epekto sa physiological ng tao sa kalusugan ng cardiovascular system.

“Nicotine, which is the major bioactive ingredient in e-cigarette aerosol, with its metabolites, may harbor unrecognized, sustained adverse physiologic effects that lead to an increased cardiovascular risk profile in habitual e-cigarette users.” (Medical News Today)