LONDON (AFP) – Isang British supermarket worker ang napatunayang nagkasala noong Huwebes sa paghahandang bumiyahe sa Pilipinas upang sumali sa militanteng Abu Sayyaf Group (ASG).

Si Ryan Counsell, 28, ay nagkasala ng “preparing for acts of terrorism” partikular sa pag-iingat ng bomb-making manual at pagbili ng iba’t ibang kasuotan at gamit pang-militar.

Nag-book si Counsell ng biyahe noong Hulyo 13, 2016 patungong Zamboanga, ang pinakamalapit na lungsod sa isla ng Basilan, na kilalang teritoryo ng ASG, na nakipag-alyansa sa teroristang grupong Islamic State.

Ang Abu Sayyaf ay nakalista bilang banned terrorist group sa Britain, ayon sa Woolwich Crown Court sa timog silangan ng London.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Sinabi ng jury na si Counsell, taga-Nottingham sa central England, ay mayroong bomb-making manual at mga dokumento na nagbibigay ng “practical advice for someone wanting to travel to Syria to join Islamic State”.

“Ryan Counsell meticulously planned his attempt to join a terrorist organisation which is responsible for atrocities across the Philippines,” ani Sue Hemming, pinuno ng counter-terror division ng Crown Prosecution Service (CPS).

Ibababa ang sentensiya kay Counsell sa Marso 3.