Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang South Korean na wanted sa sarili nilang bansa dahil sa umano’y panggagantso.

Sinabi kahapon ni BI Commissioner Jaime Morente na kasalukuyang nakapiit sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sina Jung Jaeyul, 38; at Son Young Jo, 59, habang inaayos ang kanilang deportasyon sa Korea upang harapin ang kanilang kaso.

“They are the latest casualties of our continuing campaign to rid our country of wanted foreign fugitives who come and hide here to evade prosecution and punishment for their crimes,” ayon kay Morente.

Idinagdag niya na hindi na makababalik pa sa Pilipinas ang dalawang dayuhan dahil sila’y isinama sa immigration blacklist.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Unang inaresto si Jaeyul na nadakma ng fugitive search unit (FSU) noong Enero 26 sa kanyang inuupahang unit sa Ohana Residences sa Las Piñas City.

Nitong Pebrero 1 naman inaresto si Jo sa loob ng kanyang kuwarto sa Buma bldg. sa kahabaan ng Metropolitan Ave., San Antonio Village, Makati City.

“They have also become undocumented aliens as they failed to renew their Korean passports which have already expired,” ayon kay Bobby Raquepo, BI-FSU chief. (Jun Ramirez at Mina Navarro)