CALIFORNIA (Xinhua) — Isang researcher sa University of California, Berkeley, ang naglarawan kung paano gumawa ng time crystal.

Hinulaan din ni Norman Yao, UC Berkeley assistant professor ng physics, ang iba’t ibang phase ng time crystal sa dokumentong inilathala online kamakailan sa Physical Review Letters journal.

Kung ang mga karaniwang crystal ay mayroong atomic structure na inuulit ang space, gaya ng carbon lattice ng diamond, ang time crystals naman ay inuulit ang oras, na tulad ng Jell-O na paulit-ulit na sumisipa, ani Yao sa news release mula sa UC Berkeley.

“This is a new phase of matter, period, but it is also really cool because it is one of the first examples of non-equilibrium matter,” ani Yao.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Sinunod ng dalawang grupo sa University of Maryland at Harvard University ang blueprint ni Yao at matagumpay na nakalikha ng pinakaunang time crystals nitong nakaraang taon.