Sa kabila ng boluntaryong pagsuko sa Oplan Tokhang, pinatay pa rin ang isang lalaki matapos pasukin at pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang salarin sa Malabon City, kamakalawa ng tanghali.

Agad ikinamatay ni Manuel Sari, 46, pintor, tumutuloy sa Daang Hari, Navotas City, ang mga tama ng bala ng cal. 45 at cal. 9mm sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report ni PO2 Roldan Angeles, dakong 12:50 ng tanghali, nakitulog ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigan na si Adora Salvador sa Block 4, Damata, Barangay Letre, Malabon City.

Makalipas ang ilang minuto ay biglang dumating ang tatlong armadong lalaki at sapilitang pumasok sa bahay ni Salvador at dumiretso sa natutulog na biktima at walang habas na pinaputukan.

Proseso ng impeachment kay VP Sara, posibleng magahol sa oras?

“Hindi idinamay ng mga suspek si Salvador at talagang si Sari lang ang pakay ng mga salarin,” ayon kay Angeles. (Orly L. Barcala)