Magpapatupad ng dagdag-presyo sa diesel ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo eksaktong 12:01 ng madaling araw kanina ang pagdadagdag ng 25 sentimos sa kada litro ng diesel habang walang nagbago sa presyo ng gasolina at kerosene.

Hindi rin nagpahuli ang Shell na nagpatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa diesel bandang 6:00 ng umaga.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa bansa sa kaparehong dagdag-presyo ng petrolyo na ipinatupad ng dalawang kumpanya kahit wala pang abiso ang mga ito.

Doble hinagpis: Karo ng patay sinalpok ng 14-wheeler truck sa Cavite

Ang panibagong oil price hike ay bunsod ng paggalaw sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

(Bella Gamotea)