Marc Platt (gitna) at ang cast and crew ng ‘La La Land’. (AP) copy

NANGUNA sa mga tinanggap na parangal ang La La Land sa 29th annual Producers Guild Awards.

Kinikilala ng guild ang makulay na pelikula sa kanilang Darryl F. Zanuck Award para sa theatrical motion picture production sa seremonya noong Sabado ng gabi sa Beverly Hills, California.

Sa pito sa walong taong nakalipas, ang mga nanalo ng producers’ Zanuck prize ay nanalo rin ng best picture sa Academy Award. Naiba lamang noong nakaraang taon, nang manalo ang The Big Short ng guild award, samantalang Spotlight naman ang nanalo sa Oscar.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Magkapareho ng mga nominado sa Oscar para sa best picture na inihayag noong nakaraang linggo sa nominado na best picture sa PGA, maliban na lamang sa Deadpool, na nakapasok sa producer ngunit hindi sa film academy.

Ang Zootopia ang nanalo ng Producers Guild prize para sa animated feature. (AP)