Tommy at Miho copy copy

GRABE, andami ng fans ng ToMiho love team na sina Tommy Esguerra at Miho Nishida.

Sa premiere night ng Foolish Love, hiyawan sila nang hiyawan kapag ipinakikita na sa malaking screen ang dalawa at mas lalong tumindi nu’ng may kissing scenes na.

Kasi naman, tadtad ng kissing scenes ang Foolish Love sa pangunguna nina Jake Cuenca at Angeline Quinto, pero hindi rin nagpatalo ang ToMiho kasi nakarami rin sila. Wala nga lang silang bed scene, pero may swimming pool scene na naka-two piece si Miho at in fairness, ang sexy niya, huh! Kaya siguro mas lalong na-in love sa kanya si Tommy na naka-short naman.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kung hindi kahapon ay ngayon ang pa-block screening ng solid ToMiho fans para sa Foolish Love.

Kuwento ni Katotong Roldan Castro, napaka-generous ng fans nina Tommy at Miho dahil may mga negosyo na kaya all out sa pagsuporta sa dalawa, unlike sa ibang love teams na may mga estudyante pa kaya medyo tipid sa resources, pero may mga tulong naman silang natatanggap mula sa ibang fans club sa ibang bansa.

Mukhang sa kasalan mauuwi ang relasyon nina Miho at Tommy, makikita naman sa body language nila na gusto na nilang sila na ang magkatuluyan.

Sweet sila sa isa’t isa. At sa pagkakataong ito, si Miho ang nagbigay ng regalo kay Tommy.

“Special day namin ito,” katwiran ni Miho, “siyempre, first movie namin. So, parang gusto ko lang siyang bigyan ng kahit isang maliit na things na tatatak na first movie, gusto ko siyang bigyan ng something.

“First movie namin, gusto kong ipag-celebrate. Tatlo po kasi ‘yung bracelet na ‘yun, thankful, grateful, blessed.

Sabi ko sa kanya, ‘Grateful ako dahil meron tayong project together, first movie, meron tayong mga teleserye.

“And then, thankful ako kasi nakilala kita at saka nagpapasalamat ako, lagi ka diyan sa tabi ko. At blessed tayo dahil meron tayong mga blessing na dumarating. That’s why ‘yun ang naisip ko. May message kasi may meaning ‘yun isa-isa for me. Parang sa sarili mo na meron siyang meaning.

“Parang naisip ko na ako naman ang magbigay sa kanya ng something kahit ganito man lang. Ayan, naiiyak si Tommy.”

“Sobrang nagulat ako,” reaksiyon ni Tommy. “I’m like, ‘ano ‘to?’ Usually, lagi ako ‘yung nagbibigay ng gift.

Nagbibigay ng surprise!” (Regge Bonoan)