Pumalo na sa 10 katao ang namatay sa naganap na pagsabog sa isang liquefied petroleum gas (LPG) refilling station sa Pasig City noong Enero 11.

Ayon kay Senior Insp. Anthony Arroyo, hepe ng investigation unit ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Pasig City, ang tatlong huling nasawi dahil sa matinding pinsala at sunog sa katawan ay sina Domingo Guira, 29; Raymart Eda, 22; at Joel Eda, 28; pawang mga empleyado ng Regasco refilling station ng Omni Gas Corporation.

Nabatid na nasawi si Joel noong Huwebes habang si Raymart ay nitong Biyernes, at si Domingo naman ay kahapon ng tanghali. (Mary Ann Santiago)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20