May banta sa seguridad ng pamilya ng pangunahing suspek sa kidnap-slay sa Korean na si Jee Ick-joo na si SPO3 Ricky Sta. Isabel.

Ito ang kinumpirma ng Public Attorneys Office (PAO), batay sa ipinarating ni Atty. Mario Dionisio sa tanggapan.

Ayon kay Acosta, kumuha na ng security guard ang pamilya ni Sta. Isabela para masiguro ang seguridad sa bahay nito.

“Nag-iingat na ang pamilya ni Sta. Isabel, may mga tinatanggap daw silang threats kaya kumuha na sila ng poprotekta sa kanila,” ani Acosta.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Matatandaang unang iginiit ni Sta. Isabel na maisailalim siya sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) bago siya inilipat sa PNP Custodial Center sa bisa ng arrest warrant.

ALYAS ‘JERRY’, SUSUKO NA

Samantala, kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na isa pang akusado sa kaso ang nagpahayag ng kagustuhang magpasailalim sa protective custody ng NBI.

“Paalam ko sa inyo. Isang alyas Jerry, parang nagkaroon… nag-sought na rin ng protective custody ng NBI,” sinabi kahapon ni Aguirre sa panayam ng radyo.

“Madami rin sasabihin ‘yan,” sabi ni Aguirre, na naglarawan kay Jerry bilang isa sa mga confidential informants ng NBI. (Beth Camia at Jeffrey Damicog)