Isa na naman umanong kilabot na tulak ang napatay matapos manlaban sa follow up operation, kinumpirma kahapon ng Novaliches Police Station 4.

Kinilala ni Police Supt. April Mark Young, hepe ng Quezon City Police District (QCPD)-PS4, ang napatay na suspek na si Jonathan Ferdinand Oranda, alyas “Tano”, 28, ng RT Gulod Street, Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City.

Sa inisyal na ulat ni PO2 Ariel Cabulong, desk officer ng QCPD-PS4, dakong 9:00 ng gabi kamakalawa nang maganap ang barilan sa may RT Gulod St., Bgy. Gulod, Novaliches.

Una rito, may tumawag sa naturang himpilan at ipinagbigay-alam ang kinaroroonan ng suspek na nasa drug watch list ng Novaliches Police.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad namang ikinasa ng Station Anti–Illegal Drugs (SAID) ng QCPD-PS4, sa pamumuno ni PCI Romulo Terado, ang follow-up operation laban kay Tano.

Ngunit nang paparating na ang awtoridad ay sinalubong na sila ng suspek at pinagbabaril na nagresulta sa ilang minutong barilan na ikinasawi ni Tano. (Jun Fabon)