Kalaboso ang live-in partner ng isang Australian na gumagawa umano ng child porn sa Cagayan de Oro City makaraang maaresto sa isla ng Malapascua sa hilagang bahagi ng Cebu.

Iniimbestigahan na si Liezyl Castaña Margallo, 23, taga-Cagayan de Oro, at kinakasama ni Peter Gerard Scully, isang Australian na kilalang gumagawa ng child porn sa mundo.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI)-Region 7 Director Atty. Patricio Bernales Jr., may natanggap silang impormasyon sa Australian Federal Police at NBI national office na nasa Cebu si Margallo hanggang maisagawa nila ang operasyon.

Nahaharap sa 16 na kaso, sinabi sa report na naaresto si Margallo habang naglalakad sa beach kasama ang umano’y dalawang kostumer nitong British. (Beth Camia)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog