BAGHDAD (Reuters) – Naghahabol ng oras ang United Nations upang maihanda ang emergency aid para sa daan-daan libong sibilyan na nanganganib sa Mosul sa napipintong opensiba ng Iraqi army para maitaboy ang Islamic State mula sa kanluran ng kalahati ng lungsod.

“We are racing against the clock to prepare for this,” sabi ni U.N. humanitarian coordinator Lise Grande sa Reuters.

Kinumpirma ni Iraqi Prime Minister Haider al-Abadi noong Martes na nabawi na ng mga puwersa ng gobyerno ang silangan ng Mosul,100 araw matapos simulan ang US-backed campaign na mabawi ang ikalawang pinakamalaking lungsod ng Iraq mula sa pananakop ng IS noong 2014.

Sa taya ng mga opisyal ng UN, may 750,000 katao ang nasa Mosul pa rin sa timog ng Tigris River matapos ang serye ng counter-offensives ng gobyerno sa hilaga at kanluran ng lungsod.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Inaasahang magiging matindi ang pagdepensa ng Sunni Muslim jihadists sa lugar dahil nakokorner na sila sa maliit na teritoryo sa Mosul.