TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Isang nagpakilalang kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nasakote ng mga operatiba ng Tacurong City Police sa buy-bust operation ng pulisya sa Ledesma Street sa Tacurong City, Sultan Kudarat, mag-aalas siyete ng gabi nitong Martes.

Humihimas na ngayon ng malamig na rehas na bakal sa himpilan ng Tacurong Police si Suharto Palaguyan Bangkas, 31, may asawa, empleyado ng DPWH at nakatira sa Barangay Buenaflor sa lungsod.

Nabawi kay Bangkas ang P1,000 marked money, isang maliit na sachet ng hinihinalang shabu, at dalawang medium-sized na sachet ng hinihinalang shabu. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog