The 37th Annual Kennedy Center Honors

SI Stephen Colbert ang magiging host ng 2017 Emmys ceremony, ang pagdiriwang sa pinakamataas na parangal sa telebisyon, saad ng mga organizer nitong Lunes.

Ito ang unang pagho-host ni Colbert sa taunang seremonya na gaganapin sa Setyembre 17 sa Los Angeles, ayon sa pahayag ng CBS television.

Si Colbert, 52, ang host ng Late Show ng CBS at nakilala sa kanyang Emmy-winning satirical news shows na The Coldbert Report at The Daily Show.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“We look forward to honoring television’s best while entertaining audiences with the creative energy and sharp comedy of Stephen Colbert,” ani Jack Sussman, executive vice president of live events ng CBS, sa isang pahayag.

Nagbiro si Colbert nitong Lunes na magpoprodyus ang 2017 Emmys ng “the largest audience to witness an Emmys, period.

Both in person and around the globe.”

Noong nakaraang taon, si Jimmy Kimmel ang naging host ng Emmy. Si Jimmy ang nakatakdang maging host ng 2017 Oscar ceremony sa susunod na buwan. (Reuters)