Isa-isang ipinasok sa selda ang 10 katao na umano’y nahuli sa aktong bumabatak ng shabu sa loob ng isang bahay sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang nakakulong sa Makati City Police sina Edwin Dabu y Pabalate, 44, ng No. 167 Mayon Street, Group 2, Barangay Southside, Makati City; Joey Montero y Manzo, 24, ng Bgy. Southside; June Carlo Regala y Nimes, 23, ng Block 81, Lot 33, Rose St., Bgy. Rizal, Makati City; Benjie Pamplona y Gioon, 31, ng No. 75 Bulusan St., Bgy. Southside; Rogelio Toston y Libunao, 29, ng Block 276, Lot 1, Lilac St., Bgy. Rizal; Carla Ardan y Tolentino, 20, ng Crusader St., Bgy. Southside; Analyn Arong y Dumaguin, 35, ng No. 166 Mayon St., Bgy. Southside; Jennifer San Luis y Gamayo, 28, ng Elephant St., Bgy. Ususan, Taguig City; Virginia Roquero y Lopez, 42, ng No. 166 Mayon St., Palar Village, Bgy. Southside; at Mariane Carado y Ringor, 19, ng Block 130 Staghunt St., Bgy. Rizal, ng nasabing lungsod.

Sa ulat na natanggap ni Makati City Police chief Senior Supt. Milo Pagtalunan, dakong 1:00 ng madaling araw dinakip ng mga pulis ang mga suspek sa No. 166 Mayon St., Group 2, Bgy. Southside.

Nakatanggap ng tip ang pulisya mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na pot session sa nasabing bahay dahilan upang rumesponde sina SPO4 Halog at SPO2 Ramirez at ang walong barangay police.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pagdating sa lugar, gulat na gulat at hindi na nakapalag pa ang mga suspek habang sila’y inaaresto.

Narekober sa mga suspek ang apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia. (Bella Gamotea)