TARLAC CITY - Isang meat vendor ang inaresto habang nakatakas naman ang kasamahan niyang tindera makaraan silang mahulihan ng double-dead meat o botcha sa palengke ng Barangay Mabini sa Tarlac City, Linggo ng madaling araw.

Sa ulat ni PO2 Gilbeys Sachez kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, arestado si John Macapagal, 37, ng Bgy. San Pablo, Tarlac City, habang nakatakas naman si Baby Macapagal, nasa hustong gulang, ng Bgy. San Rafael, Tarlac City, na kapwa kakasuhan ng paglabag sa Meat Inspection Code of the Philippines.

Nakakumpiska ang mga tauhan ng pulisya, National Meat Inspection Service at Tarlac City Chief Veterinary Office ng 150.4 kilo ng karneng baboy sa Shiela and Danica meat store, at 227.6 kilo naman sa John Ren and Baby Store.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog