CONCEPCION, Tarlac - Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang binatang maysakit matapos siyang masunog sa sariling kuwarto sa Barangay San Nicolas Poblacion sa Concepcion, Tarlac, nitong Linggo ng gabi.

Ayon kay PO2 Jose Dayrit Baluyut III, nasunog si Angelito Cutiongco, 36, makaraang hindi makalabas mula sa nagliliyab niyang kuwarto, na noon ay nakakandado.

Batay sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Concepcion, nagmula ang apoy sa sigarilyong sinindihan ng biktima sa kuwarto nito. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog