SANTIAGO, Chile (AP) – Mahigit 100,000 ektarya ng kagubatan ang sinira ng pinakamalalang mga wildfire sa kasaysayan ng Chile at napilitan ang gobyerno na humingi ng tulong sa ibang bansa.

Sinabi ni Agriculture Minister Carlos Furche na magpapadala ng tulong ang Spain, Peru at Mexico upang labanan ang mga sunog na pinatindi ng mahabang tagtuyot at mainit na temperaturang umaabot sa 40 degree Celsius.

Pinakamatinding tinamaan ang south-central region ng O’Higgins, kung saan nilamon ng mga apoy ang kabayahan, pastulan, at kahayupan. Nagdeklara ang gobyerno ng state of emergency sa lugar.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Umabot na sa iba’t ibang lungsod, kabilang na sa kabiserang Santiago, ang usok mula sa 108 wildfire, ayon sa Chile National Forestry Corporation.