SEOUL (Dow Jones) – Isinisi ng Samsung Electronics Co. ang overheating ng mga Galaxy Note 7 smartphone nito sa mga problema sa manufacturing at design ngunit inaming hindi natukoy ang “root cause” ng kapalpakan na nagbunsod ng recall ng mahigit 2.5 milyong device noong nakaraang taon.

Sa okasyon nitong Lunes sa Seoul, sinabi ng Samsung na “batteries were found to be the cause.”

Binanggit ng kumpanya ang mga resulta ng imbestigasyon sa mahigit 30,000 battery. Sa kaso ng isang supplier, masikip ang kaha ng battery na nagdulot ng deformations sa upper corner ng battery. Nagkaroon naman ng kapalpakan sa paggawa ang isa pang supplier dahil sa biglaang pagtaas ng produksiyon.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na