BEIRUT (AP) – Napigilan ng security forces ang tangkang suicide bombing sa abalang commercial district ng kabisera at naaresto ang suspek.

Sinabi ng National News Agency ng Lebanon na may suot na explosive belt ang suspek na naaresto bago mag-hatinggabi noong Sabado habang papasok sa isang coffee shop sa Hamra district. Nasugatan ang lalaki sa pag-aresto, at ilang sundalo ang humawak sa kanya upang matiyak na hindi niya mapasabog ang sinturon.

Dinala sa ospital ang supsek at iniimbestigahan na.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na