BANJUL, Gambia (AFP) – Nangulimbat ng milyun-milyong dolyar ang ipinatapong diktador ng Gambia na si Yahya Jammeh sa mga huling linggo nito sa puwesto at nilimas ang kaban ng bayan, sinabi ng aide ng bagong President Adama Barrow.

Umalis si Jammeh sa The Gambia noong Sabado, matapos ang 22 taong pamumuno sa maliit na bansa sa kanluran ng Africa, patungong Equatorial Guinea kung saan siya maninirahan kasama ang kanyang pamilya.

Sa gitna ng mga kontrobersiya kaugnay sa mga garantiya na inialok kay Jammeh para bumaba sa puwesto, sinabi ng aide ni Barrow na si Mai Fatty, na nadiskubre ng bagong administrasyon na may $11 milyon ang ninakaw sa gobyerno.

‘’The coffers are largely empty,’’ aniya sa mga mamamahayag sa Dakar, ang kabisera ng Senegal.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na