MUMBAI (AFP) – May 26 katao ang nasawi at tinatayang 100 iba pa ang nasugatan nang madiskaril ang isang tren sa timog silangan ng India nitong Sabado ng gabi.

Nakalas ang walong bagon at ang makina ng Jagdalpur-Bhubaneswar express dakong 11:00 ng gabi malapit sa Kuneru railway station sa Vizianagram district ng Andhra Pradesh state. Hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng aksidente.

Bumibiyahe ang train mula Jagdalpur city patungong Bhubaneswar, ang kabsera ng Odisha state, nang malihis ito sa riles may 160 kilometro ang layo mula sa Visakhapatnam.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na