ILOILO CITY – Tatagal hanggang ngayong Linggo ang signal shut down sa piling lugar sa Iloilo City kaugnay ng selebrasyon ng 2017 Dinagyang Festival.

Biyernes ng gabi nang ihayag ng mga pangunahing telecom network na Globe at Smart ang pagpapatupad nito ng signal shut down sa Enero 21-22.

Apektado ng signal jam ang Globe users sa City Proper, La Paz, Barrio Obrero, Jaro, at Mandurriao districts, gayundin ang Smart users sa Plaza Libertad, Freedom Grandstand, Iloilo Provincial Capitol, Mabini, Quezon, Iznart at Rizal Streets, Iloilo Business Park, Esplanade 1 & 2, The Atria, Plazuela, at SM City Iloilo. (Tara Yap)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog