KABUL, Afghanistan (AP) - Inilahad ng mga Humanitarian group na mangangailangan sila ng $550 million ngayong taon upang matulungan ang pinakamahihirap sa Afghanistan.

Inilunsad ang apela kahapon, iginiit na tumitindi ang pangangailangan ng Afghanistan at tinatayang 5.7 milyong katao ang pinakamahirap dito.

Lubhang nangangailangan ng ayuda ang mga lumikas at libu-libong refugees na bumabalik mula sa mga kalapit na bansa, saad ni Afghanistan Chief Executive Abdullah Abdullah.
Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na