XIA-VIGOR-0120 copy

INIHAYAG ni Alan Vigor, tatay ni Xia Vigor, sa MailOnline sa UK, na inaalok ng trabaho ng isang direktor sa Hollywood ang kanyang anak.

Kinukumbinsing gumanap sa isang project sa Hollywood si Xia bilang si Shirley Temple, ang tinaguriang pinakapopular na child star sa kasaysayan. Tatlong taong gulang pa lamang nang lumabas sa pelikulang Bright Eyes si Shirley Temple noong 1934.

“A Hollywood director contacted us and said he wants her over in America. He said: ‘I’ve been waiting all my life for the next Shirley Temple and I’ve finally found her.’ I can’t tell you who the director is – it’s top secret at the moment,” saad ni Alan Vigor sa MailOnline.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kinukumbinsi pa ng direktor ang nanay ni Xia sa iniaalok na trabaho. Sa ngayon, ay hindi pa pinapangalanan ang direktor.

Umaarangkada ang career ni Xia simula nang mapanood sa Your Face Sound Familiar ng ABS-CBN bilang Taylor Swift. Pang-international level na ang tinutungo ng kanyang popularidad. Sa murang gulang ay napakalaki ng oportunidad na inilalatag para kay Xia. (Dianara T. Alegre)