FARINDOLA, Italy (AP) — Nakabibinging katahimikan ang nadatnan ng rescue team sa four-star mountain resort on skis noong Huwebes na pinatag ng avalanche o pagguho ng yelo. Mahigit 30 katao ang nakakulong sa loob. Dalawang bangkay na ang natagpuan, ngunit pahirapan ang paghahanap sa survivors dahil sa matinding pag-ulan ng niyebe at pangamba na guguho ang mga gusali.

Nagpatuloy ang magdamag na search and rescue operation sa Hotel Rigopiano sa bulubunduking central Italy. Gumuho ang hotel noong Miyerkules ng umaga matapos tumama ang apat na magkakasunod na lindol sa rehiyon.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa