Magkakayakap pa nang matagpuang ng mga awtoridad ang bangkay ng tatlong mag-iina na nasawi nang ma-trap sa loob ng tinutuluyan nilang bahay sa Taytay, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Maria Theresa Augustine Hermocilla, 23; dalawa niyang anak na sina Terrence, 5; at Andrea, 4, pawang residente ng St. Anthony Subdivision, sa Barangay San Isidro, sa Taytay.

Ayon kay SFO3 Mario Paredes, ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Rizal, dakong 7:35 ng gabi nangyari ang sunog sa nasabing bahay kung saan nagsisilbing caretaker ang mga biktima.

Base sa imbestigasyon, nasa loob ng kuwarto ang mag-iina nang sumiklab ang apoy na nagmula umano sa sinindihang kandila na ipinatong sa isang plastic na lamesa sa sala. (Mary Ann Santiago)

Politics

Detention order vs. Grijaldo, binawi ng Quad-comm!