MMK 1_optional ang photo copy

PAGKATAPOS gumanap bilang Tristan sa Magpahanggang Wakas, nagbabalik telebisyon si John Estrada bilang isang sundalong haharap sa kanyang pinakamatinding laban sa buhay -- ang pagiging ama at ina ng kanyang mga anak -- ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya.

Kilala si Recho (John) ng marami bilang matapang at masipag na sundalo na nagsisilbi para sa Philippine Army. Pero sa harap ng kanyang dalawang anak na sina Angelique (Jane de Leon) at Lorenz (Bugoy Carino), siya ay mabait at maunawaing ama. Mahirap man pagsabayin ang trabaho at buhay pamilya, ginagawa pa rin ni Recho ang lahat upang huwag mapabayaan ang tungkulin bilang ama at asawa.

Magbabago ang ikot ng kanyang mundo nang tuluyan nang mawasak ang pagsasama nila ng kanyang asawa. Bigla siyang maging single father. Paano malalampasan ni Recho ang pagsubok na ito? Paano niya mapagsisilbihan ang bayan at ang kanyang mga anak nang mag-isa?

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Makakasama nina John, Jane at Bugoy sa episode na ito sina Jerome Ponce, Rochelle Barrameda, Marilyn Villamayor, Ronnie Quizon, Erin Ocampo, Jomari Angeles, Manuel Chua, Marco Masa, Miel Espinoza, at Alex Castro, mula sa script nina Arah Badayos at Akeem del Rosario at sa direksiyon ni Frasco Mortiz.